ATM: Kasalukuyang ginaganap ang 2024 Seal of Good Local Governance Regional Orientation via Zoom.

Ang dalawang araw (May 15-16) na online orientation na ito ay pinangunahan ng DILG kasama ang mga municipal heads ng munisipyo.

Ang orientation ay bahagi ng paghahanda para sa 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG) Assessments. Layunin nitong gabayan ang mga lokal na pamahalaan sa mga pamantayan at proseso ng SGLG upang matiyak ang kanilang kahandaan at kahusayan sa serbisyo publiko.