Nagsagawa ng isang makabuluhang livelihood training program ang Public Employment Service Office (PESO) na pinangunahan ng PESO Manager Marlene Sanchez Hipolito, kasama ang livelihood focal person na si Ma. Luzviminda Lalu na nagmula sa PESO Provincial Government of Tarlac.
Ang pangunahing layunin ng programa ay magbigay ng mga kaalaman at kasanayan sa mga participants na makatutulong sa kanilang kabuhayan at oportunidad sa trabaho, pagnenegosyo, o karagdagang kita.
Sa ginanap na programa, nagbigay ng kanya-kanyang opinyon ang mga participants at napagdesisyunan nilang smoked tilapia ang kanilang magiging produkto. Napag usapan dito kung paanong proseso ang kanilang gagawin mula sa paggawa hanggang sa pagbebenta nito.
