Tatlong ambulansya ang opisyal na na-bless kahapon, dalawa dito sa ilalim ng Office of the Municipal Ambulance, at isa para sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO). Ang MDRRMO ay mayroon ding bagong rescue pick-up para madagdagan ang kanilang kakayahan tuwing may emergencies. Ang mga bagong sasakyan ng rescue unit ay galling sa kanilang pondo.
Pinangunahan ni Mayor Noel Villanueva ang naturang programa na nagpahayag ng kanyang pasasalamat at suporta para sa patuloy na pagpapalakas ng serbisyo publiko.
Ang seremonya ay ginanap sa parking lot ng munisipyo kung saan binasbasan ang mga bagong sasakyan upang simulan ang kanilang misyon sa paglilingkod sa mga mamamayan.
Patuloy ang lokal na pamahalaan sa pagpapabuti ng mga serbisyo para sa kapakanan ng bawat residente.