Masaya at makulay ang umagang bumungad sa bayan ng Concepcion ngayong araw, Pebrero 13, 2025, matapos idaos ang Parade of Float ng mga Day Care students, kasabay ng Little King and Queen 2025.

Ang nasabing selebrasyon ay dinaluhan ng 85 day care representative students mula sa iba’t ibang barangay ng bayan.

Ginawa ang aktibidad sa Col. Jesus R. Lapus Memorial Sports Complex, kung saan nagpakitang-gilas ang mga bata sa kanilang magagarang kasuotan at mga makukulay na float.

Narito ang mga itinanghal na nagwagi sa Little King and Queen 2025:

Little King: Ash Maverick Cayanan (Sto. Niño)

Little Queen: Princess Leah Samson (Balutu)

1st Place: Prince Wigo Fuertes (Sta. Cruz) & Mia Celestine Pangilinan (Sto. Cristo)

2nd Place: Edrael Gab Santos (Culatingan) & Amber Radwin Cianelle Yumul (San Nicolas Poblacion)

3rd Place: Fonzo Cavin Sinio (Sta. Cruz) & Brylee Jace Valencia (Cafe)

Sa kategorya naman ng Best in Float, itinanghal na panalo ang mga sumusunod:

4 Wheels Category: Tinang Day Care Center

Tricycle Category: San Nicolas Poblacion Day Care Center

Pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Concepcion, sa pamumuno ni Mayor Noel Villanueva, ang matagumpay na selebrasyon kasama ang MSWD Concepcion, Tarlac, at ang masisipag na day care teachers ng bayan.

Ang naturang programa ay patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa mga batang mag-aaral habang ipinapakita ang kultura at kasayahan ng bayan ng Concepcion.

#AksyonConcepcion#ConcepcionTarlac