Ginawaran ang bayan ng Concepcion ng Seal of Child-Friendly Local Governance (SCFLG) para sa taong 2023.
Nakamit ang award na ito sa bayan dahil sa liderato ni Mayor Noel Villanueva at ng Municipal Social Welfare and Development Office sa pamamahala ni Ms. Jem Sablan.
Ang SCFLG ay isang prestihiyosong pagkilala mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Council for the Welfare of Children (CWC). Ibinibigay lamang ito sa mga lokal na pamahalaan na matagumpay na nagpapatupad ng mga epektibong programa para sa kapakanan, proteksyon, at karapatan ng mga bata.
Patunay ito ng dedikasyon ng pamahalaang bayan ng Concepcion sa pagsunod sa United Nations Convention on the Rights of the Child partikular sa mga sumusunod:
Kalusugan at Nutrisyon – Mga programang pangkalusugan, pagpapabakuna, at wastong nutrisyon.
Edukasyon at Karapatan ng Bata – Dekalidad na edukasyon at proteksyon laban sa pang-aabuso.
Child-Friendly Governance – Epektibong pagpapatupad ng mga programang pangkabataan.
Ang parangal na ito ay isang tagumpay para sa bayan ng Concepcion — isang patunay ng patuloy na pagsisikap ni Mayor Noel Villanueva na mapabuti ang serbisyo lalo na sa kapakanan ng kabataan at mahusay na pamamahala.