Isang gabi ng kagandahan at pagkilala sa pagkakaiba-iba ang nasaksihan sa ginanap na Coronation Night ng Binibining Bathaluman ning Concepcion 2025 kagabi. Labingtatlong kandidata mula sa iba’t ibang barangay ang nagpakita ng kanilang kagandahan at katalinuhan sa patimpalak ng Fiestang Balen 2025 kung saan namukod tangi ang presensya ni Lance Castro ng Brgy. San Isidro na kinoronahan bilang Binibining Bathaluman ning Concepcion 2025.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Noel Villanueva ang suporta ng LGU para sa LGBTQIA+ community.

“Many activities and programs were implemented for the LGBTQIA+, and these activities are testaments of our true commitment to create and maintain an inclusive community where every resident or kabalen exercises their democratic rights and self-expression without fear of rebuke,” sabi ni MNLV.

Narito ang pangalan ng mga nagwagi:

Binibining Bathaluman ning Concepcion 2025 – Lance Castro (Brgy. San Isidro)

Binibining Bathaluman 2025 Turismo – KC Valencia (Brgy. Mabilog)

Binibining Bathaluman 2025 Kalikasan – Charlotte Maliwat (San Lorenzo Ruiz, San Jose)

1st Princess – Chalil Bautista (Brgy. San Agustin)

2nd Princess – Lettrel Calica (Brgy. Sta. Cruz)

Isang masigabong palakpakan para sa lahat ng kalahok na patuloy na nagbibigay inspirasyon at kulay sa ating bayan!

#AksyonConcepcion

#ConcepcionTarlac

#FiestangBalen2025