Can’t get enough pa rin ba sa Concepcion Music Festival na nagpasaya sa gabi ng Fiestang Balen 2025?
Ginanap noong Biyernes ng gabi ang Music Fest, ang pinakatampok na aktibidad ng Fiestang Balen 2025, sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Concepcion, sa pamumuno ni Mayor Noel Villanueva.
Nagpasalamat si Mayor Noel sa mga kabalen,
“Cabalen ko, sobrang makagalak keng puso ing ikit dakayung megsaya keng kekatamung Concepcion Music Fest 2025! Dakal a salamat keng alang sawa yung suporta! Maraming salamat din syempre sa napakagaling na si Darren, sina PBB Jarren at PBB Kai na nagpakilig talaga sa ating madlang people tonight, at syempre ang ating featured band, Cup of Joe! Mabuhay po kayo!” ayon kay Mayor Noel.
Sinimulan ng bandang Midnight Rain, isang rising band mula mismo sa Concepcion, ang pag-init ng entablado. Sinamahan din sila ni SB Sein Gomez sa kanyang talento sa drums.
Sumunod ang high-energy performance ni Darren, isa sa pinakakilalang Filipino-Canadian singer at performer, na kilala sa kanyang powerful vocals at stage presence. Pangalawang beses na rin itong nag-perform sa ating bayan!
Nagpakilig naman sa mga kabalen ang KaiRen — ang tambalang Kai Montinola at Jarren Garcia na parehong alumni ng Pinoy Big Brother: Gen 11 at ngayo’y mga kinikilala ring performers sa larangan ng musika at telebisyon.
Pinakahihintay ng lahat, ang Cup of Joe — ang OPM band na sumikat sa mga kantang “Tingin”, “Estranghero”, “Mananatili”, at ang viral hit na “Multo”.
Fun fact: Cup of Joe ang kauna-unahang Filipino act na nag-debut sa Billboard Global 200 chart dahil sa “Multo,” at kasalukuyang nag-number 1 sa Spotify Philippines chart.
Tinatayang mahigit 25,000 katao ang dumalo sa Concepcion Music Fest 2025, isang gabi ng musika, saya, at pagmamalaki para sa ating bayan!