Isinagawa ngayong araw ang payout para sa 184 na benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa bulwagan ng Concepcion Municipal Government Center.
Ang TUPAD ay isang programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na naglalayong magbigay ng pansamantalang hanapbuhay sa mga manggagawang pansamantalang nawalan ng trabaho, underemployed, o kabilang sa seasonal workers. Sila ay nabibigyan ng oportunidad na makapagtrabaho sa loob ng sampung araw, na may kaakibat na sahod mula sa pamahalaan.
Nagpaunlak din si Atty. Myla Matic, bilang kinatawan ni Mayor Noel Villanueva, at nagpahayag ng mensahe ng suporta para sa mga benepisyaryo.
Pinangasiwaan ang aktibidad sa pamamagitan ng PESO Concepcion, Tarlac sa pangunguna ni Ms. Marlene Sanchez-Hipolito, katuwang ang DOLE Tarlac sa pamumuno ni Chief Labor and Employment Officer Jose Roberto Navata, at sa suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Concepcion.
Patuloy ang pagsusumikap ng ating pamahalaang lokal at mga ahensyang nasyunal upang makapaghatid ng tulong at oportunidad sa bawat Concepcionense.