Isang masaya at punong-punong sorpresa na pre-Mother’s Day celebration ang isinagawa ngayong araw para sa mga empleyadong ina ng Pamahalaang Bayan ng Concepcion.
Pinangunahan ito nina Atty. Myla Matic, Municipal Legal Officer; Ms. Flora Perez ng Municipal Human Resource Management Office (MHRMO); katuwang ang Concepcion Municipal Employees Association (COMEA) sa pamumuno ni Mr. Jun Pareña at iba pang tanggapan bilang pagkilala at pagbibigay-pugay sa mga ilaw ng tahanan na sabay na ginagampanan ang kanilang tungkulin bilang lingkod-bayan.
Namahagi ng mga bulaklak, at may inihandang roleta na labis na ikinatuwa ng mga nanay. Iba’t ibang premyo ang ipinamigay gaya ng beauty services, bigas, sweet treats, libreng kape, at iba pa bilang simpleng paraan ng pagpapasaya at pagpapahalaga sa ating mga ina.
Ang programang ito ay isinagawa upang ipadama ang taos-pusong pasasalamat sa sakripisyo, dedikasyon, at pagmamahal ng mga empleyadong ina sa tahanan man o sa serbisyo publiko.
Lubos na pasasalamat sa ating mga sponsors na naging katuwang sa tagumpay ng aktibidad:
COMEA•La Belleza•Eurimiks Pasalubong Shop•Memorabbylia•C’mon Hidden Café (Municipal Legal Office)•Dino Amurao Law Office – Atty. Angie D. Amurao•Uunlad Tayo Multi-Purpose Cooperative•Sto. Cristo Concepcion, Tarlac Farmers Agriculture Cooperative•Dungan Agriculture Cooperative•Top’s Concepcion Referee’s Service Cooperative•Concepcion Speed Growers Producers Cooperative•Young Farmers Agriculture Cooperative•Bagong Sibul Agriculture Cooperative•Sunrise Agriculture Cooperative•Ginintuang Butil Marketing Cooperative•Nagkakaisang Farmers ng Parulung Agriculture Cooperative•Concepcion-La Paz-Victoria Jeepney Transport Cooperative•Lalam Mangga Agriculture Cooperative•Tourism Office (Jennifer R. Balatbat)•PESO (Marlene S. Hipolito)
Happy Mother’s Day sa lahat ng ating nanay na lingkod-bayan!