Nagsagawa ngayong araw ang Municipal Veterinary Office ng random blood collection mula sa ilang piggery farms sa bayan ng Concepcion para sa pagsusuri ng African Swine Fever (ASF). Pinangunahan ito ni Dr. Roland Arciga, Municipal Veterinarian.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng regular na surveillance at preventive measures ng lokal na pamahalaan upang masigurong ligtas, malusog, at hindi kontaminado ng ASF ang mga alagang baboy sa mga barangay.
Layunin ng programang ito na mapanatili ang kaligtasan ng ating lokal na livestock industry, maprotektahan ang kabuhayan ng mga hog raisers, at maiwasan ang pagkalat ng naturang sakit sa bayan.
Patuloy ang paalala ng Municipal Veterinary Office na ireport agad ang anumang sintomas ng sakit sa mga alagang hayop upang agad itong matugunan.