Isinasagawa ngayon sa bulwagan ng Concepcion Municipal Government Center ang distribusyon ng mga electric fans para sa mga pampublikong paaralan sa bayan ng Concepcion. Buong galak na tinatanggap ng mga school heads, guro, at kinatawan mula sa iba’t ibang paaralan ang mga kagamitang ito na handog ng Lokal na Pamahalaan ng Concepcion sa pangunguna ni Mayor Noel Villanueva, sa pamamagitan ng Local School Board (LSB).
Layunin ng proyektong ito na mapabuti ang kondisyon sa mga silid-aralan at mabigyan ng mas komportableng kapaligiran sa pag-aaral ang mga mag-aaral at guro, lalo na sa mainit na panahon.
Pinangunahan ang pamamahagi nina Private Secretary to the Mayor Renato Lindo, kasama ang mga staff ng Mayor’s Office at Municipal General Services Office (MGSO) sa pamumuno ni Ms. Joy Anne Lorenzo, at ni Local Youth Development Officer Marc Namocale.
Patuloy ang LGU Concepcion sa pagbibigay-suporta sa sektor ng edukasyon bilang bahagi ng adbokasiya nitong itaguyod ang kalidad at maayos na edukasyon para sa mga kabataang Concepcionense.