Kasalukuyang ginaganap sa Don Alfredo De Leon Conference Hall ang refresher training para sa mga piling elementary students mula sa mga pampublikong paaralan, bilang paghahanda sa nalalapit na First Aid Olympics 2025 na gaganapin sa Hulyo 29, 2025 sa Concepcion Municipal Government Center.
Ang aktibidad ay pinangungunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pamumuno ni Mr. Ronaldo Bautista, katuwang ang Philippine Red Cross – Tarlac Chapter, at ang DepED. Sama-sama silang nagsagawa ng mga pagsasanay sa tamang first aid response, kabilang ang wound care, CPR, at emergency scenarios.
Nagpaunlak din si Mayor Noel Villanueva sa naturang aktibidad bilang suporta sa adbokasiya ng MDRRMO na palaganapin ang kaalaman sa kaligtasan at kahandaan sa sakuna, lalo na sa mga kabataan. Winelcome din niya ang mga estudyante at guro na lumahok sa programa.
Layunin ng refresher training na ito na ihanda ang mga kalahok sa aktwal na paligsahan, at tiyaking may sapat silang kaalaman at kasanayan sa tamang first aid response. Isa rin itong hakbang sa pagpapalaganap ng disaster preparedness culture sa murang edad.
Ang First Aid Olympics ay isa sa mga programang pangkaligtasan ng MDRRMO katuwang ang DepED na isasagawa upang mahikayat ang partisipasyon ng mga kabataan sa mga gawaing may kinalaman sa emergency awareness at life-saving skills.