Patuloy ang pagsasanay para sa mga magsasaka sa ilalim ng Farmers Field School on Climate Resilience and Farm Business School, na ngayon ay nasa Week #4, sa Brgy. Magao, Concepcion, Tarlac.

Pinangunahan ang aktibidad ng Municipal Agriculture Office sa pamumuno ni Officer Juanito Lindo Jr., at buong pusong sinuportahan ni Mayor Noel Villanueva. Dumalo at nagbahagi ng mahahalagang kaalaman sina Mr. Albert Gardon (Rice Morphology and Growth Stages) at Mr. Jose Silvestre Jr. (Local Farmer Technician) sa kanilang lecture tungkol sa Key Check 2: Well-Leveled Field.

Matapos ang talakayan, isinagawa ang hands-on activity para sa Well-Leveled Field sa EJJOY Integrated Farm and Assessment Center, Magao, Concepcion, Tarlac.

Layon ng programa na mabigyan ang mga magsasaka ng sapat na kaalaman at kasanayan upang makasabay sa hamon ng pabago-bagong klima at higit pang mapaunlad ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng tamang teknolohiya at makabagong pamamaraan sa pagsasaka.

#AksyonConcepcion

#ConcepcionTarlac