Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Bayan ng Concepcion at ilang mga ahensya ng gobyerno sa programang Gulayan sa Paaralan ng Benigno S. Aquino National High School, na pinangungunahan ng DepED. Isinagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga punlang gulay sa bakuran ng paaralan.

Buong puso itong sinuportahan ng Municipal Agriculture Office, sa pamumuno ni Mr. Juanito Lindo Jr., katuwang ang LGU Concepcion sa pamumuno ni Mayor Noel Villanueval. Nakiisa rin sa programa ang mga kawani ng PNP Concepcion at BFP Concepcion bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa adbokasiyang naglalayong magtaguyod ng kalusugan at seguridad sa pagkain para sa mga mag-aaral.

Layunin ng programang ito na hikayatin ang mga kabataan na maging mulat sa kahalagahan ng agrikultura at tamang nutrisyon, habang isinusulong din ang disiplina at malasakit sa kapaligiran.

#AksyonConcepcion

#ConcepcionTarlac