Sa ikalawang araw ng Basic Life Support (BLS) training, ang mga kalahok ay sumusulong sa mas mataas na antas ng kaalaman at kakayahan sa pagtugon sa mga aksidente o insidente na nangangailangan ng agarang tulong medikal.

Ang pagsasanay na ito ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga indibidwal na makapagsagawa ng tamang proseso ng BLS upang mapanatili ang buhay ng isang tao habang hinihintay ang propesyonal na tulong medikal.

Sa unang bahagi ng pagsasanay, ang mga kalahok ay tinuturuan tungkol sa mga hakbang sa pagsasagawa ng CPR (Cardiopulmonary Resuscitation). Ipinakita sa kanila ang tamang paraan ng pag-compress ng dibdib at pagbigay ng rescue breaths. Ang tamang rhythm, lapat ng kamay, at lalim ng pag-compress ay mahalaga paraan upang mapanatili ang sirkulasyon ng dugo.

Kasunod nito, ang mga kalahok ay tinuturuan din tungkol sa paggamit ng Automated External Defibrillator (AED). Ang AED ay isang portable na aparato na ginagamit upang mapanatili o maibalik ang normal rhythm ng puso sa pamamagitan ng electrical shock. Ang wastong paggamit ng AED ay mahalaga sa pagtugon sa mga kaso ng cardiac arrest.

Bilang parte ng pagsasanay na ito, kinakailangan isagawa ng bawat kalahok ang mga procedure na naituro tulad ng CPR at AED ng adult at pedia. Narito ang dalawa sa kanila na mula sa RHU 1 na sina Shayne Cabrejas at Precious Annn Pacelo.

Sa bahagi ng pagsasanay na nauugnay din ang pagbibigay kaalaman sa First Aid, tinuruan sila kung paano tugunan ang mga karaniwang aksidente tulad ng pagkakaroon ng sugat, pasa, pagkakalunod, o iba pang pinsala. Tinalakay din ang mga hakbang sa pag-roll over o pagliko ng isang biktima na may spinal injury nang may pag-aalaga.

Bukod sa mga praktikal na gawain, ang mga kalahok ay binigyan din ng kaalaman ukol sa tamang pagtawag ng tulong medikal at mga hakbang sa pagbibigay ng paunang lunas sa oras ng emergency.

#AksyonConcepcion#ConcepcionTarlac