Pinangunahan ni Ms. Rachel J. Mingo, focal person ng Tarlac Province ang meeting para sa mga daycare workers sa gagawing mga Supplemental Feeding Programs (SFP) sa kani-kanilang mga barangay.
Kaantabay ni Ms Mingo ang focal person naman ng Municipal Social Welfare and Development official na si Mr Marc Justin M. Namocale.
Mayroong humigit sa 56 daycare workers mula sa 45 barangays ang dumalo sa meeting kanina na isinagawa sa Matrimony Hall.
Isasagawa ang mga SFP ng lokal na pamahalaan para sa mga batang mag-aaral sa bawat Daycare Center sa September 2023.Ayon sa mga focal persons, inaasahan nila na ang mga pagkain ay makakatulong para sa kalusugan ng mga batang mag-aaral.
Dagdag pa nila, 3,500 daycare students ang mabibigyan ng libro na mula sa Munisipyo.
#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac
