Bumaba ang kaso ng dengue sa lungsod ng Concepcion, Tarlac mula 2019-2023.

Sa taong 2019, 1,309 ang mga kaso ng dengue, 1,291 naman ang kaso noong 2020, at bumaba naman ang kaso ng dengue sa taong 2021 sa bilang na 992 katao, ngunit tumaas ulit ito noong nakaraang taon sa bilang na 1,365. Naitala ang 165 na kaso ng dengue sa ating munisipalidad mula January 1 – June 30, 2023. May 15 na kaso ng dengue sa Brgy. San Francisco; tig-12 sa Sto. Rosario at Tinang, 9 sa San Nicolas Balas; tig-8 sa Alfonso at Mabilog; tig-7 naman sa Caluluan at Dutung-A-Matas, tig-6 sa Culatingan at Sta Cruz, tig-5 sa Pando, San Jose, San Nicolas Pob, San Vicente, tig-4 sa Cafe, San Antonio, Santiago at Sta. Rita; tig-3 sa Cafe at Castillo, Parang, San Agustin, San Juan at Sta Rosa; tig-2 sa Calius Gueco, Green Village, Minane, Parulung, San Isidro, Sta Rita, Sto. Niño at Talimundoc Marimla; tig-1 sa Corazon De Jesus, Dungan, Magao, Sta Maria at Talimundoc San Miguel. Walang naitala na kaso ng dengue sa mga barangay na hindi nabanggit.

Batay sa pinakahuling epidemic-prone disease case surveillance report ng Department of Health (DOH), 72,333 dengue cases ang naitala mula Enero hanggang Hunyo 17, 2023, sa buong bansa na 14 porsiyentong mas mataas kaysa sa 63,526 noong 2022.

Mayroon ding 249 na namatay dahil sa dengue ngayong taong 2023, ayon sa DOH. Pinaalalahanan ang lahat na mag ingat lalo at pabago bago ang panahon. Sumangguni sa health center o makipag-ugnayan sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar kung may nararamdamang sintomas tulad ng trangkaso, matinding sakit ng ulo, pananakit ng ilalim ng mata, kalamnan at kasukasuhan, pagkahilo, pagsusuka, pantal o pagdurugo.

Sundin ang 4s laban sa Dengue! -Search and Destroy -Self- Protection Measures -Seek Early Consultation -Say NO to Indiscriminate Fogging Sama-sama! Ang Epekto ng Dengue ay Sugpuin, 4 o clock habit Ugaliin at Tangkilikin (AEDES OUT).

#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac

This image has an empty alt attribute; its file name is 366145462_1464538414359957_966311709150122574_n-724x1024.jpg