Ang Department of Labor and Employment – DOLE Region 3 ay nagsasagawa ng seminar tungkol sa Technical and Advisory Visit (TAV) implementation na naglalayong matulungang malaman ang karapatan ng mga manggagawa.
Ang programang ito ay pinangunahan ng Inspectors ng DOLE Tarlac na sina Maricel Manuel, Lemuel Guttierez, at Ronie Pablo ngayong umaga sa may 2nd Floor, Matrimony Hall, ng Munisipyo ng Concepcion, Tarlac.
May 21 mga business owners ang kalahok sa seminar. Ang programang ito ay inihatid ng PESO Concepcion, Tarlac, na pinamumunuan ni Ms Marlene Hipolito at sa pakikipagtulungan ng opisina ni Mayor Noel Villanueva.
#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlace
