Pinangunahan ni Mayor Noel Villanueva ang pamimigay ng cash gift at Plaques of Recognition sa apat (4) na centenarians sa bayan ng Concepcion na nagmula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pangunguna ni Ms. Raven Joy Delos Reyes, Regional Officer I.

Present din ang mga Sangguniang Bayan members Saturnino Mandal, Sein Gomez, Carlo Avena at Jayson Lagman. Kasama rin sina Alberto Villanueva, President of the Senior Citizens’ Affair (OSCA) at OIC Municipal Social Welfare and Development Officer, Ms. Rica Mae Lindo.

Ang mga nasabing centenarians ay nagmula sa mga barangay ng Sta. Rita, Castillo, Balutu at Minane, Rose Park. Una nang naipamigay sa kanila ang cash gift at plaka na nagmula sa municipal at provincial governments noong sila ay magdiwang ng kanilang kaarawan.

Ang mga centenarians ay mga indibidwal na itinuturing na isang espesyal na sektor ng ating lipunan. Bilang bahagi ng adhikain ng pamahalaan na pangalagaan ang kapakanan ng mga centenarian, itinatag ng DSWD ang programa upang maipagkaloob ang kanilang mga benepisyo.

#AksyonConcepcion#ConcepcionTarlac