Ang Concepcion Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nag-umpisang magbigay-serbisyo sa mga Concepcionense noong Abril ay ang pinakauna sa mga bayan ng lalawigan ng Tarlac na nagkaroon ng ganitong programa.
Tuwing unang Miyerkules ng buwan nagkakaroon ng OWWA Help Desk sa PESO Office (2nd floor) Municipal building, upang tumulong sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga pamilya mula sa ibang bansa.
Ang OWWA ay isang ahensya ng gobyerno sa Pilipinas na pangunahing responsibilidad ay pangangalagaan at isulong ang kapakanan ng mga OFWs.
Nagbibigay ang OWWA ng iba’t ibang serbisyo at programa upang matulungan ang mga OFW at kanilang mga pamilya, kabilang ang mga social welfare benefits, OWWA special projects, education and training, at reintegration programs.
Layunin nito na tiyakin ang proteksyon, karapatan, at welfare ng mga OFW sa kanilang trabaho sa ibang bansa at pagbabalik nila sa Pilipinas. Hangad ito na mapanatili ang magandang ugnayan sa kanilang mga minamahal na kamag-anak na patuloy na nagtatrabaho sa ibang bansa.
#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac