Pinangunahan ng Department of Health at Rural Health Unit (RHU) ang pamimigay ng libreng konsultasyon at PhilHealth membership para sa 200 katao na miyembro ng 4Ps sa Sports Complex.

Tatanggap din ng libreng PhilHealth Konsulta Package kapag nagparehistro sa mga konsulta providers (RHUs 1, 2, 3, Concepcion District Hospital, at Sta. Lucia Eye Center).

Nagbigay din ng mensahe ang ating Municipal Mayor Noel Villanueva, Dr. Reymund Valdez, Sangguniang Bayan Members Calvin Sardia at Carlo Avena.

“Kalinisan at kalusugan lamang kung malinis, malusog ang mga tao, kung marumi, mabilis magkakaroon ng sakit ang mga tao,” ani MNLV.

“Mamayang 2pm aaprubahan na magkaroon ng sariling botica ang Concepcion, Tarlac. Ang importante po magbigyan ng tulong ang humihingi ng tulong,” ani SB Sardia.

Layunin ng programa na mapabuti ang kalusugan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpapatingin sa mga primary care provider. Kasama sa libreng konsultasyon ang pagsusuri, diagnosis, at payo para sa mga sakit at karamdaman.

Ang PhilHealth Konsulta ay naglalayong palakasin ang pangunahing antas ng pangangalaga sa kalusugan at magbigay ng mas malawak na access sa mga konsultasyon ng mga miyembro.

#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac