CONCEPCION, Tarlac (August 24, 2023) — Nagkaroon ng symposium meeting sa complex ang mga kandidato para Sangguniang Kabataan (SK) at mga barangay captain mula sa 45 barangays ng Concepcion.

Isinagawa ang seminar sa pangunguna ng Commission on Elections (COMELEC), sa suporta ni Mayor Noel Villanueva, Sangguniang Bayan Member Boy Mandal at sa koordinasyon ng Concepcion Police at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang mga naging tagapagsalita sa seminar ay sina Election Officer Jenalyn G. Tabifranca at Provincial Election Supervisor Atty. Fernando F. Cot-om.

Layunin ng symposium na mapag-usapan ang mga kinakaharap ng bawat barangay. Nagkaroon ng open forum kung paano mas mapapabuti ang mga serbisyo at kung ano ang dapat at hindi dapat gawin sa darating na eleksyon.

“Ngeni pa pu ko-congratulate da kayu pu, ita mu pung kapagnasan na bisa kayung maglingkud, tagumpe at maragul ne pung bage ita,” sabi ng alkalde.

Sinabi rin ni MNLV na kailangang patas ang labanan sa eleksyon.

“You can bend the law, but you can’t break it. Lumaban tamu pung patas, anyaran kumu pu gawan taya pu malinis, mapayapa ing daratang a eleksyon, mipanyawup tamu pu.

“Congratulations, mikit ikit tamu pu keng victory ball,” pagtatapos ni MNLV.

#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac