CONCEPCION, Tarlac — Sa patuloy na adhikain ng pamahalaang lalawigan ng Tarlac na mapabuti ang kalagayan ng mga komunidad sa lalawigan, isinagawa ang seminar na Lupong Tagapamayapa Incentive Awards (LTIA) sa sports complex.

Naisagawa ang seminar sa pangunguna ng Provincial Government of Tarlac, sa suporta ni Governor Susan Yap, at sa koordinasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Local Government Unit (LGU) ng Concepcion.

Ang layunin ng seminar ay upang palakasin ang mga kasanayan ng mga barangay sa Concepcion, hinggil sa pagtutok sa kapayapaan at pagkakaisa sa kanilang mga komunidad.

Bukod dito, layunin din ng seminar na ipaalam ang mga incentives at awards na maaring makuha ng mga Lupong Tagapamayapa na nagsusulong ng kapayapaan at kaayusan sa mga barangay.

Ang Cluster Team Leader ng Local Government Operations Officer VII (LGOO VII) na si Jeffrey Manalastas ay ang naging tagapagsalita sa seminar, na dinaluhan ng mga barangay captains, secretaries at lupon members ang mga dumalo na nagmula sa 45 barangays.

Ang Lupong Tagapamayapa Incentives Award ay taunang patimpalak na kung saan ikinikilala ang mga Lupong Tagapamayapa sa kanilang huwarang pagganap at kontribusyon sa kanilang barangay.

#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac