Ipinagkaloob noong Agosto 2, 2024 sa Jesus R. Lapus Memorial Sports Complex ang 56 chest freezers sa mga daycare workers ng bayan ng Concepcion, na layuning suportahan ang kanilang supplementary feeding program para sa mga bata. Ang seremonya ay pinangunahan ni Mayor Noel Villanueva, kasama ang MSWD Concepcion, Tarlac na pinamumunuan ni Jem Centeno.

Ang mga chest freezers ay magiging pangunahing kagamitan sa pag-iimbak ng pagkain para sa mga batang pinakikinabangan ng Child Development Center sa bayan.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Mayor Villanueva, “Kasawup ye ing LGU, asahan yu kalakalale samesen taya ing Child Development Center,” na nagsasaad ng pagpapabuti ng kalusugan at nutrisyon ng mga kabataan sa komunidad.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na tiyakin ang kalidad ng pagkain at kalusugan ng kanilang mga kabataan sa Concepcion.

#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac