Ang magkapatid na Cayetano ay namigay ng ayuda sa mga Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars, Office of the Senior Citizens Affairs Coordinators, Women’s Organizations, at Daycare Workers sa bayan ng Concepcion sa inisyatibo ni Mayor Noel L. Villanueva noong Agosto 1, 2024.

Naganap ang Financial Assistance Payout sa Sports Complex, sa alalay ng DSWD office at MSWD office ng lokal na pamahalaan ng Concepcion.

May 500 individuals ang nakatanggap ng P3,000 noong umaga at noong hapon sa parehong araw ay naganap din ang payout sa may 500 indibidwal pa na mamamayan naman ng Tarlac 3rd District na kung saan kabilang ang bayan ng Concepcion, Capas, Bamban at La Paz – ito naman ay sa inisyatibo ni Congressman Noel “Bong” Rivera. Ang mga ipinamahaging tulong ay nagmula sa pinagsamang pondo nina Senators Pia at Alan Peter.

“Sa pakikipagtulungan sa opisina at staff ni Mayor Noel ay naipaabot namin ang assistance na ito mula kina Sen. Pia at Sen. Alan. Ipinapaabot rin nila na sana magamit sa mabuting paraan ‘yung ayuda lalo na ngayon tapos na ang pandemic, sana magamit niyo yan para maka angat-angat at makakaasa kayo na hindi pa ito yung huli, simula palang po ito,” sabi ni Calvin Evangelista na nag-abot ng mensahe ng magkapatid na senador sa mga natulungang mga Concepcionense.

#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac