Nagkaroon ng over the counter payout ang 1,528 set 12 beneficiaries ng 4Ps sa Little Baguio covered court kaninang umaga.

Ang nasabing payout ay pinangunahan ng DSWD Tarlac, Landbank Concepcion, Concepcion Municipal Links and Social Welfare Assistants, Municipal Roving Bookkeeper at ang Concepcion PNP.

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang hakbang ng pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao ng ating mga kababayan. Nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong-pinansiyal para sa pinakamahihirap na Pilipino upang pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0 hanggang 18 taong gulang. Kailangang matupad ng mga pamilya ang mga kondisyon ng pamahalaan upang maibigay sa kanila ang tulong-pinansiyal.

#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac