Alam niyo ba na mayroon tayong bagong Municipal Ordinance na pinagtibay sa Bayan ng Concepcion, Tarlac? Ang Ordinansa Blg. 013-2024, na kilala rin bilang “The Wildlife Resources Conservation, Anti-Trafficking, and Protection Program,” ay ipinasa sa pamumuno ni Committee on Environment and Natural Resources Chairman SB CARLO AVENA.

localordinance-blg0132024-cpntarlac

Bakit nga ba meron tayong ganitong ordinansa? Narito ang mga kasagutan:

  • 1. Para sa Pagpapanatili at Proteksyon ng Wildlife at Kanilang Mga Tirahan – Layunin ng ordinansa na pagyamanin ang biological diversity at itaguyod ang rcological balance.
  • 2. Para sa Pag-regulate ng Koleksyon at Kalakalan ng Wildlife – Layuning makontrol ang koleksyon at kalakalan ng wildlife upang maprotektahan ang mga ito.
  • 3. Para sa Pagsunod sa Internasyonal na Kasunduan – Layuning tuparin ang pangako ng Pilipinas sa mga internasyonal na kasunduan para sa proteksyon ng wildlife at kanilang mga tirahan.
  • 4. Para sa Pagsuporta sa Siyentipikong Pag-aaral – Layuning mag-udyok ng mga pag-aaral para sa konserbasyon ng biological diversity.

Ang ordinansa na ito ay ipatutupad para sa lahat ng species ng wildlife na matatagpuan sa lahat ng lugar ng Bayan ng Concepcion, Tarlac, kabilang na ang mga protektadong lugar sa ilalim ng Republic Act No. 7586, at mga critical habitats. Saklaw din nito ang mga exotic species na kinakalakal, pinalalaki, inaalagaan, at pinararami sa loob ng bayan.

Walang sinumang tao ang papayagang magmay-ari ng wildlife maliban kung maipapakita ng nasabing tao o entity ang kakayahang pinansyal at teknikal na pangalagaan ang nasabing wildlife. Kailangan din tiyakin na ang pinagmulan ng wildlife ay hindi labag sa Republic Act No. 9147 o ang ‘Wildlife Resources Conservation and Protection Act’.

Ang sinumang lumabag sa mga nakasaad sa ordinansa ay mapaparusahan ng mga sumusunod:

  • Unang Paglabag: Multang P1,000.00
  • Ikalawang Paglabag: Multang P2,000.00
  • Ikatlong Paglabag: Multang P2,500.00

Ang mga parusang ito ay karagdagan pa sa mga parusang itinakda ng Section 28 ng Republic Act No. 9147.

“Inaasahan kong sa pamamagitan ng ordinansang ito ay mapapangalagaan ang kalikasan at mga hayop sa ating bayan, na makakatulong sa pagpapanatili ng ecological balance at biological diversity sa lugar,” sabi ni SB Avena

#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac