Isinagawa sa Matrimony Hall ng munisipyo ang libreng review session na inorganisa ng COMEA at HR para sa mga empleyado ng gobyerno na mag-eexam sa CSC Pen and Paper Test. Ang nasabing review session ay dinaluhan ng 73 na empleyado mula sa iba’t ibang departamento ng munisipyo.

Layunin ng libreng review session na maihanda ng mabuti ang mga empleyado sa mga kahingian ng CSC exam, kabilang na ang mga mahahalagang paksa at estratehiya sa pagsagot. Ang sesyon ay pinangunahan ng mga eksperto sa larangan ng pagsusulit at propesyonal na pag-unlad, na nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan upang masiguro ang tagumpay ng mga kalahok.

Patuloy na nagsusumikap ang COMEA at HR na maghatid ng mga ganitong uri ng programa bilang bahagi ng kanilang adhikain na mapalawig ang kakayahan at kaalaman ng mga empleyado ng gobyerno. Sa pamamagitan ng mga libreng review session, umaasa silang mas maraming empleyado ang makakapasa at makakamit ang kanilang mga propesyonal na layunin.

#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac