Overwhelmed ang pakiramdam ni Mr. Arnaldo “Arnell” Ignacio – OWWA Administrator sa kaniyang pagdalaw sa Bayan ng Concepcion.

Bumisita si Mr. Arnaldo “Arnell” A. Ignacio ang OWAA Administrator kasama rin ang Regional Director ng Region 3 na si Ms. Ma. Lourdes Reyes upang kamustahin ang kanilang nasasakupang OFW and Family Association sa bayan ng Concepcion.

Kasamang sumalubong sa kanilang pagdating si Mayor Noel L. Villanueva, ang pagbisita ng OWWA Administrator ay may layong maghatid ng mensahe, inspirasyon, at magandang balita sa mga miyembro ng asosasyon.

Malugod na binalita rin ni PESO Manager Marlene Sanchez ang mga naging aktibidad ng asosasyon mula ng pormal na tanggapin ng mga opisyales ang kanilang tungkulin.

Ito naman ang ipinahayag na mensahe ni Mayor Noel:

“Kailangan muna ninyo ang pagkakaisa, pagtutulungan sa isat isa, buuin muna natin ang hanay ng ating organisasyon, ang LGU ay lagi namang nakasuporta sa mga layunin ninyo, hindi naman kami nagpapabaya sa aming panunungkulan sa inyo, maswerte tayo na nakikita ko na ang maliwanag na daan dahil mismong administrator na ang bumisita sa atin”

Malugod naman na ibinalita ni OWWA Administrator ang bagong linyang tatahakin ang OWWA na para sa mga magsasaka kasama ang LandBank upang bigyan ng mataas na pagkilala ang mga nagsasaka sa ating bansa lalo na sa lalawigan ng Tarlac, kakatulungin ang Landbank sa pagbuo ng madaling unawaing proseso na pakete ng financing na makakatulong sa mga farmers.

“Ang OWWA napuno ng pondo, na kapag may OFW na may sakit uuwi, basta walang utang. Kasi mayroon namang funding, ang hiling ko lang ay aralin ng mabuti ang programa ng Parokya ng OWWA. Pag-uusapan at pag-aaralan ang katuruan sa pangunguna ng central office that will keep on discussing to keep facts straight. Cooperation at collaboration, yan ang susi ‘wag puro speculation. Marami ang mabubuo kung tayo ay magkakaunawaan lalo na on fire ang namumuno sa inyong bayan.” dagdag naman ng OWWA Administrator.

Ang magagandang balitang ito ay isa na namang daan upang magbigay ng maraming magandang oportunidad sa mga bagong bayani dito sa ating bayan.

#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac