Isinagawa ang Municipal Development Council (MDC) Meeting sa Matrimony Hall ng munisipyo sa pangunguna ni Mayor Noel Villanueva.
Ang pagtitipon ay pinangunahan ng Municipal Planning and Development Office at dinaluhan ng 45 Barangay Captains, Civil Society Organizations, MDC members at mga Department Heads ng Munisipyo. Dumalo rin si SB Boy Mandal.
Ang agenda ng pagpupulong ay tungkol sa identification of proposed programs/projects sa 20% Development Fund para sa taong 2025 at ang distribution of checks for the Barangay Development Projects na pinondohan ng 2024 Economic Development Fund.
#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac