Isinagawa ang isang linggong pagsasanay para sa mga Census Enumerators sa Matrimony Hall ng Munisipyo at Casa Mangga.
Ang pagsasanay na ito ay pinangungunahan ng MSWD ng Concepcion at ng Philippine Statistics Authority. Ang aktibidad na ito ay hatid ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Noel Villanueva.
Dinaluhan ng 115 na mga participant ang training na ito. Layunin ng pagsasanay Ang paghahanda sa mga enumerators sa kanilang mga tungkulin para sa nalalapit na census, na magsisimula sa Hulyo 15 hanggang Setyembre 17.
Sa loob ng isang linggo, ang mga kalahok ay tuturuan ng tamang pamamaraan ng pangangalap ng datos, pakikitungo sa mga residente, at pagtiyak ng wastong mga impormasyong makakalap upang magdulot ng isang matagumpay na census sa Concepcion. Ang mga datos na makakalap mula sa census ay gagamitin upang mapabuti ang mga serbisyo publiko, mga programang pangkaunlaran, at iba pang proyekto para sa kapakanan ng bawat mamamayan.
#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac