Ginanap sa Matrimony Hall ng munisipyo ang pirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Securities and Exchange Commission (SEC) at ng Pamahalaang Bayan ng Concepcion, Tarlac. Ang makasaysayang kaganapan ay pinangungunahan ni Atty. Richard Laus, kinatawan ng SEC, at ni Mayor Noel Villanueva ng Concepcion, Tarlac.

Ang kasunduang ito ay naglalayong ipatupad ang SEC Communication, Advocacy, and Network (SEC-CAN) Project sa bayan ng Concepcion. Layunin ng proyektong ito na palakasin ang kaalaman ng mga mamamayan patungkol sa mga batas at regulasyon sa securities at investments, at upang magbigay ng tamang impormasyon at edukasyon ukol sa pangangalakal at pamumuhunan.

#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac