Sa pagdiriwang ng Pride Month, isang makulay at makabuluhang exhibit ang ay naganap sa Concepcion Plazuela – ang “Exhibit with Pride.” Ang programang ito ay inorganisa ng lokal na pamahalaan ng Concepcion sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Noel Villanueva, bilang pagpapakita ng suporta at pagkilala sa komunidad ng LGBTQ.

Ang exhibit ay tampok ang iba’t ibang likhang sining at mga personal na kwento ng mga miyembro ng LGBTQ na naglalayong ipakita ang kanilang karanasan, pag-asa, at pangarap. Mula sa mga painting, litrato at gown, ang “Exhibit with Pride” ay nagsisilbing plataporma upang maipakita ang yaman ng kultura at kasaysayan ng LGBTQ community.

Bukod sa mga sining, mayroon ding mga aktibidad tulad ng mga parade at runway na naglalayong palakasin ang kamalayan at pag-unawa ng publiko sa mga isyu at karapatan ng mga LGBTQ. Ang mga aktibidad na ito ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakapantay-pantay at pagrespeto sa bawat isa, anuman ang kanilang kasarian o sexual orientation.

#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac