CONCEPCION, Tarlac (June 21, 2024) – Pinangunahan ni Mayor Noel L. Villanueva ang ground-breaking ceremony ng BALE LUGUD na itatayo sa likod ng Sports Complex ng bayan.
“Pangarap namin na magkaroon ng shelter para sa mga abused women and children, abandoned elderly and people in need of recovery… Ultimate objective ng ating bayan ing magi yang balen malugud,” ani Mayor Villanueva.
Sinabi rin ng alkalde na maaari rin nitong ipagamit sa ibang mga karatig munisipyo na wala pang Balay Silangan.
“I-MOA (Memorandum of Agreement) natin ito sa ibat-ibang municipalities na wala pang mga Bale Lugud,” dagdag pa ng mayor.
Ang proyektong ito ay nabuo dahil sa inisyatibo ni Sen. Joel Villanueva sa pondo na naisama sa General Appropriations Act 2024.
Sumaksi sa groundbreaking at ceremonial laying ng time capsule sina Rev. Fr. Gilbert Vidanes, Vice Gov. Carlito David, Board Members Dan David at Henry Cruz, PDEA Provincial Officer IA III William Dulay, DSWD Asst. Dir. for Operations FO III Armont Decina, DILG Provincial Director Armi Bactad, Concepcion PNP Chief Romualdo Andres, DPWH Tarlac 2nd District Engineering Office Assistant Director Adel Catanes, Municipal Fire Marshall CInsp Ryan Pascua, ABC President Edward Suarez, Sangguniang Bayan Members Boy Mandal, Erwin James Villanueva, Jayson Lagman, at Carlo Avena; Municipality of Concepcion Department Heads, Concepcion Barangay Captains at Councils.
Ang “BALE LUGUD” o Balay Silangan ay isang programa ng Reformation Center ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Layunin nitong tulungan ang mga drug offender na baguhin ang kanilang mga sarili, at magsilbi rin na isang safe space para sa mga kababaihan at mga kabataang naaabuso, mga inabandonang may edad na at sa mga in need of recovery. Sa Balay Silangan, maraming mga interbensyon ang naghihintay sa mga repormista. Kabilang dito ang counseling, moral recovery activities, values formation, personal at life skills training, community service, at mga pisikal na aktibidad.
Patunay lamang ito ng pagmamalasakit at pagmamahal sa mga mamamayan ng bayan ng Concepcion.
#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac