Nag-courtesy call kay Mayor Noel L. Villanueva ang 25 on-the-job-trainees (OJTs) at limang Field Training Officers (OFT) sa pangunguna ni Concepcion Chief of Police PLTCOL Romualdo Carpio Andres. Ang pagtitipon na ito ay naglalayong ipakita ang pakikipag-ugnayan ng mga bagong trainees at kanilang mga opisyal sa lokal na pamahalaan.

Ang courtesy call na ito ay simbolo ng pagkakaisa at kooperasyon sa pagitan ng mga bagong miyembro ng puwersa at ng lokal na pamahalaan, na parehong naglalayong maglingkod at mapanatili ang kapayapaan sa kanilang nasasakupan.

#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac