Ginanap ang OFW Association and Federation Presidents Meeting sa Matrimony Hall ng Munisipyo ng Concepcion.

Pinangangasiwaan ang programang ito ng Public Employment Services Office (PESO) ng lokal na pamahalaan ng Concepcion sa pamumuno ni PESO Manager Marlene S. Hipolito, kasama ang Office of the Congressman Noel “Bong” Rivera sa presensya ng kanyang sekretarya na si Ms. Cel Yumul.

Ito ang kauna-unahang pagpupulong ng mga presidente ng pederasyon pagkatapos ng kanilang pormal na panunumpa sa kanilang mga posisyon. Layunin ng pagpupulong na ito na talakayin ang mga potential agenda at mga programa sa iba’t ibang sangay ng kanilang pederasyon, gaya ng mga livelihood programs at iba pa.

#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac