Ang programang ito ay pinangunahan ng DSWD Region III kasama ang MSWD Concepcion, Tarlac sa pamumuno ni Mayor Noel L. Villanueva, kaantabay ang Committee on Senior Citizens sa pangunguna ng Chairperson na si SB Boy Mandal.
Isa sa mga pinarangalan ay si Lolo Francisco Macaspac Bonifacio mula sa Brgy. Castilio. Ang halagang PHP 100,000 ay tinanggap ng kanyang anak na si Dolores Bonifacio Mercado. Ayon kay Dolores, ang kanyang ama ay isinilang noong Pebrero 10, 1924, at namayapa noong Marso 10, 2024, sa edad na 100 taong gulang. Ang biyayang natanggap ng kanilang pamilya ay isang malaking tulong at pagkilala sa mahabang buhay ng kanilang ama.
Ang isa pang pinarangalan ay si Lolo Fernando Manzano Garcia, isang 100 taong gulang na ipinanganak sa Vigan, Ilocos Sur noong Abril 25, 1924. Simula 1991, nanirahan at naging botante si Lolo Fernando sa Isabel, Concepcion, kaya dito siya na-awardan ng centenarian na naghahalagang PHP 100,000. Ang gantimpala ay hindi lamang simbolo ng paggalang kundi pati na rin ng suporta sa kanyang kalusugan at pangangailangan.
Ang Centenarian Act 10868 ay isang mahalagang batas sa Pilipinas na nagbibigay pagkilala at suporta sa mga Pilipinong umaabot ng 100 taong gulang.
#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac