Mahigit 2,000 katao ang sama-samang gumunita sa sa ika-126 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng ating bansa kaninang umaga.
Ang makasaysayang okasyon ay ginugunita tuwing ika-12 ng Hunyo upang alalahanin ang deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya noong 1898.
Pinangunahan ni Mayor Noel Villanueva, Vice Mayor Carla Bautista, Sangguniang Bayan Members SB CARLO AVENA, Boy Mandal, Councilor Calvin Sardia, SB Sein Gomez, SB Jayson Estrada Lagman; ABC President Edward Suarez, at SK Federation President Cygel Lusong ang seremonya sa harapan ng munisipyo.
Inumpisahan ang selebrasyon sa pamamagitan ng isang makulay na parada na nilahukan ng mga opisyal ng gobyerno, empleyado ng lokal na pamahalaan at iba’t ibang sektor ng lipunan.
Sa kanyang maikling talumpati, binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng dedikasyon at pagmamahal sa bayan sa gitna ng mga hamon na kinakaharap ng bansa.
“Dapat tamung sariwain keng kekatamung isipan deng sakripisyu da reng kekatamung ninunu nung makananu la mekipaglaban para magi yang malaya ing bansang Pilipinas,” panimula ni MNLV.
Tinanong din ng alkalde kung ano ang kailangang gawin para lalo pang maging malaya ang bansang Pilipinas.
Dedikasyon at pagmamahal sa bayan ang kasagutan dito ang sabi ni MNLV.
Sinabi rin ni Mayor Villanueva na dapat acapella ang pagkanta sa pambansang awit ng Pilipinas.
“Dapat istung mag-flag ceremony tamu, potang ikanta taya ing national anthem… acapella namu, with much fervor paramdam tamu potang kakanta taya ing pambansang awit. Deng aliwang bansa pagmasadan da ka tamu panga magkanta tamung national anthem, ala yang kalatuy-latuy, ala yang lasa, ala yang damdamin,” paghihimok ni MNLV.
Ang masiglang pagdiriwang ng ika-126 Araw ng Kalayaan – hindi lamang sa ating bayan ng Concepcion – ay nagpapaalala sa bawat Pilipino ng mahalagang aral mula sa kasaysayan – ang kahalagahan ng pagiging malaya, hindi lamang sa pananakop ng ibang bansa, kundi pati na rin sa paglaya mula sa kahirapan, kawalan ng katarungan, at iba pang mga suliranin ng lipunan.
#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac