Naging matagumpay ang pamimigay ng libreng bakuna kontra rabies sa mga 248 na alagang aso at pusa sa Barangay Castillo, Concepcion, Tarlac kaninang umaga na pinangunahan ni Dr. Roland Arciga ng Municipal Veterinary Office.

Ang programang ito ay hatid ng lokal na pamahalaan ng Concepcion sa pamumuno ni Mayor Noel Villanueva.

Ang deworming at anti-rabies vaccination ay mahalagang bahagi ng pangangalaga sa kalusugan ng alagang hayop. Ang deworming ay naglalayong kontrolin ang pagsulpot ng mga parasitikong bulate na maaaring makaapekto sa sistema ng digestive at respiratory ng hayop, nagbibigay ng proteksiyon laban sa malnutrisyon at iba pang komplikasyon.

Ang anti-rabies vaccination naman ay nagpapababa ng panganib na maging carrier ng nakamamatay na sakit na rabies at proteksyon din ito sa publiko sa posibleng pagkalat ng rabies.

#AksyonConcepcion #ConcepcionTarlac