Ginanap kahapon ang contract signing sa 177 beneficiaries ng TUPAD sa pagitan ng DOLE at PESO.

Pinangunahan ang programa ng Department of Labor and Employment – Tarlac, in partnership with the office of Senator Loren Legarda at ng LGU ng Concepcion sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Noel Villanueva at kinatawanan naman ni Public Employment Service Office (PESO) Manager Marlene Hipolito.

Ang programang ito ay alay pagmamahal ni Senator Loren Legarda para sa bayan ng Concepcion.

Ang TUPAD ay isang community-based na tulong na nagbibigay ng emergency na trabaho para sa mga displaced na manggagawa, underemployed at seasonal na manggagawa, sa loob ng minimum na 10 araw, ngunit hindi lalampas sa maximum na 30 araw, depende sa uri ng gawain.