Ginanap kahapon ang isang makasaysayang pamamahagi ng scholarship ng Concepcion Scholarship Foundation Inc. (CONSFI) sa may 48 post graduate students.

Ang pondong ipinamahagi ay personal na donasyon ni Senator Loren Legarda sa CONSFI.

Ang scholarship foundation ay naglalayong magbigay ng pagkakataon sa mga mahuhusay ngunit kapos sa pinansyal na estudyante upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Ang pagbibigay ng scholarship sa mga law students, medical students, at mga kumukuha ng masteral at doctoral degrees ay bahagi ng adbokasiya ng foundation na palakasin ang sektor ng edukasyon at magkaroon ng positibong epekto sa lipunan.

Ang programang ito personal na suportado ni Mayor Noel Villanueva na siyang nanguna sa pagkakatatag ng foundation kasama si Municipal Legal officer Myla Matic at iba pang mga prominenteng Concepcionense.

Ang pagbibigay ng scholarship na ito ay isa sa mga initiative ng CONSFI na may layuning bumuo ng mas maliwanag na kinabukasan para sa mga kabataang Concepcionense na baling araw ay magsisilbi sa mga kababayan.