Ginanap ang Local Disaster Risk Reduction & Management Training sa Benedictines Resort sa St. Jude.

Nakiisa sa nasabing training ang 47 participants at representatives galing sa LGU, Tarelco II, Concepcion Water District, Bureau of Fire Protection, at Philippine National Police.

Ang programang ito ay hatid ng lokal na pamahalaan ng Concepcion katulong ang Office of Civil Defense Region 3 at ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office.

Ang layunin ng pagsasanay na ito ay idinisenyo upang palakasin ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan, komunidad, at iba’t ibang sektor sa paghahanda, pag-iwas, pagresponde, at pagbangon mula sa mga sakuna at kalamidad.