Ginanap kaninang umaga ang carabao and cattle medication sa barangay Talimundoc San Miguel.

Nasa 48 na kalabaw ang nabigyan ng libreng medication at 2 naman sa baka.

Ang programang ito ay inilunsad ng LGU Concepcion sa pamumuno ni Mayor Noel Villanueva, katuwang si Dr. Roland Arciga ng Municipal Veterinary Office at dinaluhan ni Councilor Calvin Sardia.

Ang layunin ng programa ay matiyak ang kalusugan ng mga kalabaw at baka sa barangay, na mahalagang bahagi ng kabuhayan ng mga magsasaka. Ang naturang aktibidad ay naglalayong mabigyan ng tamang medikasyon at bakuna ang mga hayop upang maiwasan ang sakit at mapanatili ang kanilang kalusugan.