ATM: Kasalukuyang ginaganap ang pagbibigay ng pension sa mga 1,388 senior citizens sa mga covered court ng Barangays San Nicolas Poblacion, Santiago, Sta. Rita, at Sta. Cruz.

Ang pagbibigay ng pension sa mga senior citizens ay nahati sa dalawang araw, May 29 at 30, para sa 45 barangays ng Concepcion.

Ang programang ito ay hatid ng lokal na pamahalaan ng Concepcion sa pamumuno ni Mayor Noel Villanueva kasama ang MSWD Concepcion, Tarlac at ng Office of the Senior Citizens Affairs.

Ang senior citizen pension ay isang programa ng gobyerno na nagbibigay ng pinansyal na suporta sa mga nakatatanda o senior citizens. Ang layunin ng programang ito ay matulungan ang mga senior citizens na may limitadong kita o walang kita upang mabigyan sila ng tulong sa kanilang mga pangangailangan sa araw-araw.