Ang programa ng Pugay Tagumpay o pagtatapos ng Pantawid Pamilya ay ginanap kanina sa Col. Jesus R. Lapus Memorial Sports Complex ay isang seremonyal na pagpapalitang-pugay na nagpapahalaga at kinikilala sa mga hakbang, tagumpay, at kabuuang pagpapabuti ng kalagayan ng mga pamilyang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ang programang ito ay pinangunahan ng DSWD at MSWD Concepcion, Tarlac.

Ang 4Ps ay isang programang pangkabuhayan ng gobyerno na naglalayong magbigay ng tulong-pinansyal sa mga mahihirap na pamilya upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng edukasyon, kalusugan, at nutrisyon.