Ginanap ang Orientation for the Barangay Profile Questionnaire Data Collection and Service Facilities and Government Projects Listing sa Matrimony Hall ng Munisipyo

Ang orientation na ito ay pinangunahan ng MSWD Concepcion, Tarlac, kasama ang 45 barangay kapitan at mga secretary, at ang tagapagsalita na si Noli S. Gravidez, isang opisyal ng Philippine Statistics Authority – Tarlac.

Dumalo rin sa orientation ang Association of Barangay Captains President si Edward Christopher Suarez.

Ang layunin ng orientasyon na ito na maisagawa at maitaguyod ang pag-unawa at pakikiisa ng mga barangay officials at iba pang stakeholders sa proseso ng data collection, na naglalayong mapalakas ang kalidad at kumpletong impormasyon na magagamit para sa epektibong pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa at proyekto sa mga barangay.