Ginanap ang dalawang araw na ng Seminar Workshop on Enhancing Public Service Delivery (Reorientation of R.A. NO. 11032 and Critiquing of Citizen’s Charter) sa 3rd floor ng Legislative Building
Ang dalawang araw (May 16-17) na orientation na ito ay pinangunahan ng Municipal Human Resource Management Office kasama ang mga Municipal heads at representive ng mga offices ng munisipyo.
Tinalakay naman ni Jonina D.C. Madrid at ni Jaena Marie A. Bansil ng Project Development Officer Central Luzon RFO-ARTA ang “Zero Backlog Program” Arta Memorandum Circular 2022-02.
Layunin ng seminar workshop ang pagpapabuti ng pampublikong serbisyo, sa pag-reorienta sa R.A. No. 11032, at pagsusuri sa Citizen’s Charter ay napakahalaga sa pagpapalakas ng serbisyong pampubliko. Ito ay nagbibigay daan sa masusing pag-unawa sa mga batas at alituntunin na bumubuo sa pundasyon ng tamang pamamahala at paglilingkod sa mamamayan, nagreresulta sa mas epektibong serbisyo at mas responsibong pamahalaan.