Nag-courtesy call kay Municipal Administrator Bienvenido Estrada sina Philippine Social Security System – SSS Luzon Central Vice President Vilma Agapito at SSS Tarlac Branch Head Maria Maxima Macaraeg kaninang umaga.

Tinalakay ng SSS ang kanilang programang Run After Contribution Evaders (RACE) para papanagutin ang mga may-arin ng kumpanya na hindi nagbabayad ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado.

“Kailangang maabisuhan ang publiko sa mga magagandang programa ng SSS,” ani Estrada.

Sinabi rin ng administrador na very supportive si Mayor Noel Villanueva sa kapakanan ng mga manggagawa sa buong bayan ng Concepcion.