Naipamalas ng isang kandidata mula sa Barangay Tinang ang kagandahan at katalinuhan nang mahirang si Aira Klenette Canlas bilang Bb. Concepcion 2024.

Ang mga kandidata ay umani ng mga parangal at papuri nang ipakita nila ang kanilang kahanga-hangang ganda at katalinuhan na nagdulot ng di-matatawarang inspirasyon sa mga manonood at tagasuporta.

Ang programang ito ay bahagi ng pagdiriwang sa kapistahan ng ating bayan na pinamumunuan ni Mayor Noel Villanueva.

Narito ang mga listahan ng mga nanalo:

  • Bb. Concepcion – Aira Klenette Canlas (Tinang)
  • Bb. Turismo – Zyra Basilio (San Nicolas Poblacion)
  • Bb. Kalikasan – Patricia De Guzman (Satiago)
  • 1st Princess – Leanna Kaylee Manuel (San Nicolas Balas)
  • 2nd Princess – Patricia Joy Villagracia (Telabanca)

Patuloy kayong magningning, sa bawat hakbang patuloy ninyong ipakita ang liwanag ng inyong kalooban at ang husay na mayroon kayo.