Sa pagsalubong sa nalalapit na pagdiriwang ng Fiestang Balen ng Concepcion, nagsagawa ng 3rd Open Bonsai Exhibit and Competition ang pamahalaang lokal sa pakikipagtulungan ng Tarlac Bonsai Club. Ito ay isang espesyal na pagdiriwang ng kagandahan at kahusayan ng sining ng bonsai na nagbigay inspirasyon sa mga taga-bayan.

Ang kompetisyon ay naghatid ng aliw at kasiyahan sa mga plantito at plantita, kung saan ipinakita ng mga partisipante ang kanilang mga natatanging gawa at husay sa pag-aalaga ng mga bonsai. Sa pamumuno ni Mayor Noel Villanueva, naging matagumpay ang pagdaraos ng nasabing kompetisyon na nagbigay-daan sa pagkakaroon ng isang espesyal na palabas para sa mga Concepcionense.

Dumalo rin po sa nasabing programa si SB Boy Mandal, Councilor Calvin Sardia, Kapitan Popoy Feliciano at Former Mayor Alfredo Avena.

Narito ang mga listahan ng mga nanalo:

  • Best Show – Dr. Manarang
  • Mayor’s Choice – Dr. Manarang
  • Best in Penjing Top 1 – Andrei Enrile
  • Best in Penjing Top 2 – Ricky
  • Best in Penjing Top 3 – Raymond
  • Best in Penjing Top 4 – JCT
  • Best in Penjing Top 5 – Andrei Manarang

Ang kompetisyon ay hindi lamang nagbigay ng pagkakataon para sa mga nagmamahal sa bonsai na ipamalas ang kanilang galing, kundi pati na rin nagdulot ito ng inspirasyon at pagkakaisa sa komunidad ng Concepcion.

Malugod nating binabati ang lahat ng mga nagwagi at naging bahagi ng espesyal na okasyong ito. Congratulations!